Ipinapalagay ng marami na para mabago ang paniniwala, kilos at ugali ng mga tao, ang kailangan ay ang mallinaw at magaling na perswasyon. Pero may ibang nakikita ang mga social scientist na pinag aaralan ang kilos ng mga tao bilang isang social group.
Sa kanilang mga pag aaral, na obserbahan nila na mas madaling baguhin ang kilos ng mga tao sa pagbabago ng kanilang kapaligiran (environment), higit pa sa simpleng pagkumbinsi lamang sa kanila.
Mahirap unawain ang ganitong obserbasyon pero mahalaga ito at malaki ang implikasyon sa lipunang kinakailangan ng malaking pagbabago. Pero sa mga nagdududa kung totoo nga ito, isipin nyo na lang bakit kung sinasabi na dito sa bansa, napakahirap pasunurin ang mga Pilipino sa batas at kahit simpleng bagay na kailangan ng disiplina, pag nag ibang bansa naman ang mga Pilipino ay masunurin at disiplinado rin naman sila?
Malaki ang implikasyon ng ganitong insight sa human behavior at dapat maunawaan ng nais mabago ang lipunan