Salungat sa paniniwala ng marami na ang pagkain ng marami ay mabuti at nakakapag palusog, ang pagkain ng sobra sa pangangailangan ng katawan ay nauuwi sa katabaan at iba pang sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso.
Upang maiwasan ang pagkakasakit dulot ng sobra sobrang pagkain, makakabuti na masanay tayo sa pagkaing sukat at naka plato na. Hindi lang ito mabuti sa kalusugan, pero sa ganitong gawa, maiiwasan pa rin ang pag aaksaya ng maraming pagkain.