Ngayon nakuha ko ang resulta ng swab test ko na ginawa kahapon. Positive.
Pero halos hindi na ako nagulat dahil may sintomas na kasi ako, kasama na ang pagkawala ng pang amoy. Ika pitong araw ko na ito mula noong unang nakaramdam ako ng pangagnati ng lalamunan, naging ubo at naging sipon.
Ok nmana ako. Nagmomonitor lang ng mga sintomas at kahapon nagsimula na ulit ako magkaroon ng pang amoy pero bahagya lang. Akala ko, pagaling na ako pero ngayong araw pa lang ako nagkaroon ng mataas na lagnat na umabot ng 39 +. Ayaw ko man umasa sa gamot, napilitan ako mag paracetamol pampababa ng lagnat, ayon na rin sa payo ng kaibgan kong doctor.
Bukas, ika day 8 na simula ng magparamdam sa akin ang covid at sana ay pahupa na ito.
Salungat lang sa payo ng maraming tao, sinubukan ko na rin ang ivermectin dahil sa claim na may anti inflammatory at anti coagulation property ito. Ewan kung ano ang basihan sa pagsabi nito, pero baka naman kasi mapatunayan.